Card Giving

First time kong di natuwa sa card giving. Pano may bagsak ako, Tangna sa subject pa kung san hindi naman ako hirap na hirap, Math. Nyeta first time kong nakareceive ng flat 80 sa card. Alam mo yun, Mataas naman grades ko sa math tapos ganon ./. Usapan nga samin pag bagsak ka sa math, “Natapatan ka ng roleta ng bagsak” meaning nanghula daw teacher namin sa math.

Sunod naman yung usapang dayaan sa grade. Actually totoo to. Black magic/wifi ang tawag samin. Kopyahan habang nageexam, Actually natural na samin yun pero nyeta di ko mapapatawad yung mga hanggang after exam ay nandadaya pa din. Pano, Pag kami nagccheck, pag nakakita ka ng black ballpen ang gamit, Alam na. BLACK MAGIC. Shet lang kasi, Di na nakonsensya, Habang exam nga nandadaya na, pati ba naman after tapos ang kakapal ng mukha na proud pa sa grade na matataas. Tapos nung nagkaissue kanina samin sabi ba naman nung reyna ng pandadaya, Ang liit daw ng tingin namin sa kanya malay ba daw namin kung nagbago siya. Tangna niya alam ng lahat kung ano ginagawa niya tapos yun pa sasabihin niya. Gago e.

Isang malaking open forum lang katapat neto, Siguro maayos din kami. Sana makonsensya na ang dapat makonsensya. Okay nang bagsak, At least malinis ang konsensya. Grabe, Umabot sila ng 4th year sa school nang puro kabalastugan pinaggagawa.

22.08.14
3 notes
  1. amazonangiyaken posted this